Lunes, Disyembre 1, 2014

                   Bakit Ako Magsusulat Sa Wikang Filipino?

              Bakit ako magsusulat sa wikang Filipino? Hindi ba ang wika ang sumisimbulo sa kultura ng isang bansa? Kaya dapat gamitin ang sariing wika hindi lamang sa atin ito dahil ang wikang atin ay sariling kaluluwa na natin. Hindi ba pag-tayo ay nag-iisip, hindi ba’t inang wikang ang ating ginagamit? Hindi ba masarap makipag-usap kung ating wika ang ating ginagamit? Natural pakinggan hindi ba? Mas natural din hindi ba kung ang pagpapahayag ng opinyon at damdamin ay sa wika natin? Totoo masarap gamitin ang wikang banyaga, pero hindi ba mas masarap kung wikang atin ang gamit natin?

Bakit nga ba mas tinatangkilik pa natin ang wika na ating hiram lamang eh samantala ang ating sariling wika dapat ang nangigibabaw. Noong hindi pa nasasakop ang ating bansa ng mga amerikano wikang Filipino naman ang ating ginagamit.hindi naman sa hindi na tayo pwedeng bumigkas ng ingles, ipinapaalala lang sa atin na alalahanin mo na ang wikang ingles ay hindi sa atin. Kaya tayo nag-aaral sa paaralan ng salitang ingles para tayo ay makipagsalamuha sa ibang tao na ingles ang lengwgahe,p ero tignan mo usap-usap lang sa paaralan ingles pa ang sinasabi kahit barok-barok basta nasasabi ang ingles pwede ka naman magsalita ng ingles wag mo lang aabusuhin dahil pag inabuso mo yan hindi ka na Pilipino

           Kahit mga produkto ng ibang bansa tinatangkilik natin,tulad nalang ng tsokolate, mga inumin ,sapatos at iba pa. Isipin mo rin na’Uy meron din tayo nyan’. Ipagmalaki mo kung ano ang meron tayo, kaya nga ‘’Tangkilikin ang sariling atin’’. Alanganaman tangkilikin mo ang hindi sa iyo, paano mo maipapakita ang pagiging Pilipino mo kung ganun ang nakikita sa iyo. Kung meron sila, meron din tayo. Kung meron silang sariling wika, meron din tayo. Maraming bansa ang gumagamit at yumayaman sa kakagamit ng ibang wika pero hindi ba meron ding ibang bansa na mayaman na kahit wika lang nila ang ginagamit? Magpapatalo ba tayo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento